SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ng mga kaso ng pandaraya sa buwis ang ilang importers at distributors ng illegal vape products. Partikular na laban ito sa illegal vape products na may tatak na Flava, Denkat, at Flare.
Ang mga distributor ay kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code kabilang na ang unlawful possession ng vape products na walang bayad na excise tax sa ilalim ng Section 263.
Kaugnay rin ang kaso sa tax evasion sa ilalim ng Section 254 at hindi pagsusumite ng excise tax returns sa ilalim ng Section 255.
Tinatayang nagkakahalaga ang illegal vape products na ito ng P8.7B.