Mga oligarko tuwang-tuwa sa kasalukuyang sistema ng gobyerno—Prof. Herman Tiu-Laurel

Mga oligarko tuwang-tuwa sa kasalukuyang sistema ng gobyerno—Prof. Herman Tiu-Laurel

TUWANG-tuwa ang mga oligarko sa kasalukuyang sistema ng Marcos Jr. administration.

Ayon sa geopolitical analyst na si Herman Tiu-Laurel, ito’y dahil malaki ang pakinabang ng naturang sistema sa kanila.

Halimbawa sa punto ni Tiu-Laurel ang mataas na singil sa kuryente kung saan aniya, para sa mga oligarko, magiging sagana sila ngayon dahil sa malaking kita mula rito.

Iyon nga lang, karamihan naman sa mga Pilipino ang magdudusa.

Para kay Tiu-Laurel, wala siyang nakikitang konsiderasyon mula sa administrasyon para sa karamihan sa mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble