HINDI lang pang-local dahil on the way to overseas na ngayong Setyembre ang hardcore punk band ng Pilipinas na BADWAVE.
Sa anunsiyo nila noong Marso 19, magkakaroon sila ng apat na live shows sa apat na bansa abroad.
Siyempre, magsisimula ang kanilang kick-off ngayong Setyembre 5, 2025 dito sa Pilipinas, susunod naman ang Singapore sa Setyembre 12, Setyembre 13 sa Indonesia, at Setyembre 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nagsimula noong 2019, kilala ang grupo sa kanilang malupit na energetic performances at hilig sa skateboarding.
Binubuo naman nina Jerome, Lester, Jessie at Jerwin ang 4-member group.