POSIBLENG hihilingin ng Department of Transportation (DOTr) na alisin ang singil sa toll sa ilang bahagi ng skyway habang isasagawa ang rehabilitasyon ng EDSA sa Hunyo.
Binigyang-diin ni DOTr Sec. Vince Dizon, ang pansamantalang libreng toll ay makakahikayat sa mga motorista na dumaan sa skyway imbes sa EDSA.
Ang panukalang libreng toll sa skyway ay sasaklaw lamang din sa ilang piling bahagi nito na maaaring magsilbing alternatibong ruta habang isinasailalim sa rehabilistasyon ang EDSA.
Ang rehabilistasyon ng EDSA ay maaaring tumagal ng hanggang dalawang taon ayon kay Dizon.