Pagtaas ng presyo ng langis, asahan sa susunod na linggo

Pagtaas ng presyo ng langis, asahan sa susunod na linggo

MAAARING tumaas ngayong linggo ang presyo ng gasolina ng mula labing limang sentimo (P0.15) hanggang animnapung sentimo (P0.60) kada litro, habang ang diesel naman ay posibleng limampung sentimo (P0.50) hanggang siyamnapung sentimo (P0.90) kada litro ang itataas. Samantala, ang kerosene ay inaasahang tataas ng dalawampu’t limang sentimo (P0.25) hanggang apatnapung sentimo (P0.40) kada litro.

Batay sa apat na araw na trading ng Mean of Platts Singapore o MOPS, lumalabas na pangunahing dahilan ng pagtaas ang nagpapatuloy na geopolitical tensions, kabilang ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang isyu sa nuclear deal ng Estados Unidos at Iran.

Bukod pa rito, may epekto rin ang pagbaba ng produksyon sa Canada dahil sa wildfire, at ang mas mababang oil inventory sa Estados Unidos.

Dagdag pa ni Jetti Petroleum President Leo Bellas, tumataas din ang demand sa gasolina at diesel dahil sa summer driving season sa mga bansa sa hilagang bahagi ng mundo, kasabay ng limitadong suplay mula sa China at maintenance ng ilang refinery.

Kaya naman, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, inaasahan ang taas-presyo sa mga susunod na araw dahil sa mga ito.

Patuloy pa rin ang monitoring ng Department of Energy sa presyuhan sa pandaigdigang merkado para masiguro ang sapat na impormasyon para sa publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble