NAGBUGA ng sulfur dioxide ang Bulkang Taal na aabot sa isaang daan at apatnapu’t anim na tonelada.
Ito ang huling naitala noong Lunes, ika-labing anim ng Hunyo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nakapagtala rin ito ng dalawang volcanic earthquakes ang bulkan at nagkaroon rin ng katamtamang pagsingaw na may siyam na raang metrong taas na napadpad sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatili pa rin ang Bulkang Taal sa Alert Level 1.
Samantala, magnitude 4.6 na lindol, naitala ng PHIVOLCS sa Sarangani Island, Sarangani, Davao Occidental ngayong araw, Hunyo 18 bandang 3:49 ng madaling araw.
Ang lokasyon ng pagyanig ay layong isang daan at dalawampu’t limang kilometro ng Sarangani Island at nasa apatnapu’t isang kilometro ang lalim.
Tectonic ang sanhi ng pagyanig at wala namang naiulat na nasaktan. Wala rin aftershock na naramdaman sa nasabing pagyanig.
Intensity 3 ang naramdaman sa Malungon, Sarangani; intensity 2 sa Don Marcelino, Davao Occidental at sa General Santos City; at intensity 1 naman sa Matanao, Davao Del sur at sa Sarangani Province partikular sa mga munisipalidad ng Maasim, Kiamba, at Alabel.
Matatandaang niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Balut Island, Davao Occidental kahapon, Martes ng hapon, ayon sa Phivolcs. Wala namang naitalang aftershocks o pinsala.