SA official announcement ng HYBE, sinabi ng agency na malapit na ma-discharge ang huling miyembro na nakakumpleto ng kanyang military obligation.
Nagpasalamat ang agency sa armies sa patuloy nilang pagsuporta, at para masiguro ang kaligtasan ng BTS member na si Suga, nanawagan ang HYBE sa fans na huwag na munang pumunta sa Site kung saan idi-discharge ang idol, at hindi na inanusyo ang official date ng kanyang paglabas.
Nag-enlist si Suga noong September 22, 2023. Dahil sa kanyang shoulder injury ay na-assign siya bilang social media agent na isang alternatibong paraan ng military service, na nagtagal sa loob ng dalawampu’t isang buwan.
Unang na-discharge sa military service ang pinakamatandang miyembro na si Jin, sumunod sina J-Hope, RM at V, Jimin at Jungkook.
Habang si Suga na ang pinakahuling BTS member na madi-discharge, kaya naman malapit na talaga ang huge comeback ng grupo.
Kamakailan ay ipinagdiwang din nina Jin, RM, J-hope, V, Jungkook, at Jimin ang kanilang 12th anniversary mula ng kanilang debut sa pamamagitan ng BTS Festa- fan event, na ginanap sa Goyang, South Korea, noong June 13 hanggang 14, nitong taon.