INAPRUBAHAN na ang pagsasampa ng kasong kriminal sa korte laban sa isang babaeng suspek kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Fil-Chinese na si Anson Que.
Sa pahayag ng Department of Justice (DOJ), sapat ang mga batayan upang litisin ang kaso laban kay Gong Wen Li o alyas Kelly.
Si Kelly na naaresto sa Boracay noong Mayo 17, 2025 ang tinutukoy na pangunahing suspek sa pagkamatay ni Que at ng kaniyang driver.
Si Que at ang kaniyang driver ay natagpuang wala nang buhay noong Marso 30 sa Rodriguez, Rizal.
Samantala, inabsuwelto na ng DOJ si Alvin Que, ang anak ng biktima dahil sa kakulangan ng ebidensiya.