INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Makati na sususpendehin muna nito ang operasyon ng isa sa mga vaccination site dahil sa 2022 bar exams na isasagawa bukas, February 04, at sa Linggo February 06.
Sa isang Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan na isasara ang Fort Bonifacio Elementary School vaccination site upang makapagbigay daan sa bar examinations sa University of Makati.
Magbabalik ang operasyon ng isang vaccination center sa Sabado, Feb. 05.
Matatandaan na inilipat ng Supreme Court ang petsa ng bar examinations sa mas huling petsa dahil sa mataas na bilang ng mga examinees na nahawa o na-expose sa COVID-19.