Paraan para sumigla ang agrikultura, inilatag ni VP aspirant Tito Sotto; drug war ng Duterte admin, matagumpay sa ilang aspeto

Paraan para sumigla ang agrikultura, inilatag ni VP aspirant Tito Sotto; drug war ng Duterte admin, matagumpay sa ilang aspeto

BILHIN ang 50% sa mga produkto ng lahat na magsasaka sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senate President at vice presidential aspirant Tito Sotto na dapat maging hakbang para mapasigla ang sektor ng agrikultura.

Aniya, ang agrikultura ang pinaka-silver bullet o ang pinakasolusyon para sumigla ang ekonomiya ng bansa.

Kung kaya’t aniya, bilhin na ang produkto ng mga magsasaka sa farm gate price.

Samantala, naniniwala si Sotto na matagumpay ang drug war ng Duterte administration sa ilang aspeto lalong-lalo na sa pagbabawas sa illegal drugs at enforcement.

Lacson- Sotto tandem aasahan sa Imus, Cavite sa unang araw ng campaign period

Samantala, aasahan na sa unang araw ng official campaign period sa Pebrero 8, araw ng Martes, ay pupunta sa Imus Cavite ang Lacson-Sotto tandem.

Ito ay base sa initial update na ipinalabas ng opisina ni Senator Ping Lacson sa Viber group.

Gaganapin ang kick-off ng kanilang campaign sa Imus Grandstand, alas singko ng hapon.

Ang Imus Cavite ay ang hometown ni Senator Lacson.

Ang Lacson-Sotto tandem ay may campaign slogan tulad ng KKK- Kakayahan, Katapangan at Katapatan at We Need A Leader 2022.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter