INIHAYAG ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na nabunutan ito ng tinik pagkaraang tanggalin siya ng Lacson-Sotto tandem sa kanilang slate.
Kahapon sa isang presscon ng kinumpirma ng Lacson-Sotto tandem na tanggal na sa kanilang senatorial slate si dating QC Mayor Herbert Bautista.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, sumulat si Bautista at nagpapaalam na kung maaari ay maging kinatawan ito ng National People’s Coalition sa Tambalang BBM- Sara bagay aniya na mahirap maunawaan.
Ang NPC ay ang partidong kinabibilangan ni Bautista kung saan si Senator Vicente Sotto ang chairman nito.
Sa eksklusibong panayam ng programang SMNI Nightline News ay inamin ni Herbert na dalawang beses itong sumulat kina Lacson at Sotto at naiintindihan aniya nito kung bakit walang maitugon dito si Lacson.
Kasunod naman ng pagkakaalis sa kaniya sa ticket ng dalawa ay ang paggaan ng kaniyang pakiramdam.
Sakabila nito, ay nagpapasalamat pa rin Bautista na kahit papano ay kinonsidera siyang pambatong senador ng magkatunggaling tandem.
Sa proclamation rally noong Martes, ay sa UniTeam na pumunta si Bautista sa halip sa Imus, Cavite kung saan ginanap ang rally ng Lacson-Sotto.
Pero maliban sa kaniya ay sa BBM Sara din pumunta ang ibang kandidato na nasa senatorial slate nila Lacson katulad nila Senator Win Gatchalian at Senator Migs Zubiri at nagpadala lamang ng representative sa rally nila Lacson.
Tiniyak naman nila Lacson-Sotto na ayos lang sa kanila na pumunta sa ibang rally ang kanilang mga senatorial bet basta hindi ito mag eendorso ng ibang tambalan sa buong campaign period.
“Once na mag endorse sila ng either another presidentiable or VP openly, ibang usapan, tatanggalin namin,” ayon kay Lacson.