INAALOK ni presidential candidate Isko Moreno bilang alternatibong kandidato ang kanyang sarili para sa lahat ng gusto ng tunay na pagbabago.
Kamakailan lang ay binisita nito ang Tarlac na kilala bilang balwarte ng mga Aquino.
Ikinatuwa naman ni Moreno na sa kabila nito ay nararamdaman aniya nito ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Tarlac sa kanya.
At kahit pa aniya’y i-endorso sila o hindi ng mga opisyal dito, masaya pa rin ito at maayos ang pagkaka-accommodate sa kanila.
Sakaling maihalal bilang susunod na pangulo, isa ang political landscape ng bansa ang babaguhin ni Moreno.