Pinay domestic helper sa Hong Kong, sinentensyahan ng 4 na buwang pagkakakulong

Pinay domestic helper sa Hong Kong, sinentensyahan ng 4 na buwang pagkakakulong

APAT na buwang pagkakulong ang hatol ng korte sa isang Pinay domestic helper sa Hong Kong dahil sa pagsumite nito ng mga pekeng dokumento sa opisina ng Immigration.

Isang 27 anyos na Pilipinong domestic worker ang hinatulan ng apat na buwang pagkakakulong sa Shatin Magistrates courts kahapon ika-28 ng Abril matapos kasuhan ng isang count ng fake at falsified documents.

Ayon sa mga opisyal ng ahensya, nag apply umano ng working visa ang Pinay domestic helper noong buwan ng Marso ngayong taon at nagsumite ng kopya ng notice of termination of employment contract kaugnay ng dating kontrata nito.

Sa pagsusuri ng mga kawani sa mga dokumento ay napag-alaman nito na natanggap na ang original copy of notice nito noong buwan ng Enero.

Magkaiba rin ang nakasulat na rason ng mga isinumiteng termination papers nito sa dating employer kaya naglunsad ng imbestigasyon ang mga otoridad.

Nauna nang umamin ang nasasakdal sa kanyang nagawang pagkakamali kung saan idinahilan nito na ginawa niya ito upang maaprubahan ang kanyang aplikasyon at magpatuloy sa pagtatrabaho bilang domestic helper sa lungsod.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng korte sa lungsod na ang pinakamataas na parusa ng multa sa nasabing kaso ay aabot sa $150,000 at 14 taong pagkabilanggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter