IPINAGTANGGOL ng mga netizen ang aktres na si Heart Evangelista nang tawagin itong isang ‘gold digger’.
Ang aktres ay kilala ring businesswoman at socialite.
Sa isang Twitter post, walang pakundangan na tinawag si Heart na ‘gold digger’.
Agad namang rumesbak ang mga netizen at ipinagtanggol ang aktres.
Sa Twitter post sinabi nitong hindi kailanman humingi si Heart ng kahit anuman sa kanyang asawa na si Senator-elect Chiz Escudero.
At kung hihingi man ito, ‘yun ay dahil sila ay mag-asawa.
Kaugnay nito, sa isang interview sinabi ng aktres na “Im not crazy rich” at may sarili siyang pera bunga ng kanyang pagsisikap.
Kaya rin aniya niyang mabuhay nang wala siyang sinasandalan.