Sektor ng agrikultura, tiyak na magtatagumpay ngayong si BBM ang hahawak sa DA

Sektor ng agrikultura, tiyak na magtatagumpay ngayong si BBM ang hahawak sa DA

IKINATUWA ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP Party-list) ang anunsiyo ni President-elect Bongbong Marcos na siya ang pansamantalang hahawak sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay AGAP Party-list Cong. Nick Briones sa panayam ng SMNI News, naniniwala siya na kung ang Pangulo na mismo ang kikilos sa kanilang sektor ay magtatagumpay ito.

Ngayon, ayon kay Cong. Briones, posibleng mapagbibigyan na ang kanilang ipinanukalang pondo para sa sektor ng agrikultura.

Kung ikukumpara ang pondo ng Pilipinas para sa sektor ng agrikultura sa ibang bansa, sobrang mababa kaya’t hindi nito masuportahan ang mga research na ginagawa para mapaunlad ang agrikultura.

Naniniwala rin si Cong. Briones na mas mapalalakas pa ang proteksyon laban sa smuggling at sobra-sobrang importasyon  kung si PBBM ang hahawak sa DA.

Follow SMNI NEWS in Twitter