MAY kakayahan na ngayon ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na makapag-detect ng mga kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ito ay matapos matagumpay na ma-optimize ng RITM ang kanilang real-time PCR assay para sa detection ng monkeypox virus bilang bahagi ng national preparedness at response efforts.
Kasalukuyan namang ino-optimize ng RITM technical team ang pangalawang PCR assay para sa pagkakaiba ng monkeypox virus clade.
Gayunpaman, sinabi ng RITM na tanging suspect cases at may mga referral ang ipoproseso alinsunod sa Department of Health (DOH) memorandum.
Dagdag pa ng RITM, nagsasagawa ngayon ang DOH ng clinical approach to skin lesion sa maging sa pagkolekta, paghawak at pagpadadala ng samples mula sa skin lesions upang magabayan ang lahat ng disease reporting units at epidemiology and surveillance units.