IPANANAWAGAN ng Department of Health (DOH) sa publiko na kailangang panatilihin pa rin ang pagpatutupad sa health protocols laban sa COVID-19 ngayong Semana Santa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil nanatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga protocol na tinutukoy ng kalihim ay ang pagsusuot ng face mask, pag-isolate sakaling magkasakit, pagpapanatili sa maayos na pagdaloy ng hangin o good ventilation at pagkakaroon ng kumpletong dosis ng bakuna kontra COVID.
Nagpaalala rin si Vergeire na iwasan ang pagsasagawa ng mga pisikal na pagpepenitensya para maiwasan ang mga impeksyon tulad ng tetanus at bacterial infections sa mga sugat.
Maliban dito, pinayuhan din ang publiko na iwasan ang mga paghalik sa mga imahe sa mga simbahan para maiwasan ang pagkalat ng virus.