INIMBITAHAN ni US President Joe Biden si President Ferdinand Marcos Jr. na bisitahin siya sa White House.
Si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang nagpaabot ng imbitasyon mula Estados Unidos kay PBBM noong Hunyo 30 o sa araw ng inagurasyon nito.
Sa ngayon, wala pang sagot si PBBM sa imbitasyon subalit sinabi ni Romualdez na posibleng makakapunta ang Pangulo sa tamang panahon.
Ilang mga bansa na ang nagpadala ng kanilang representatives sa Pilipinas para bisitahin at makipagpulong kay Pangulong Marcos.