ARESTADO ang suspek sa pagpatay sa isang babae sa Bulacan.
Kinilala ni Police Colonel Charlie Cabradilla, hepe ng Bulacan Police ang suspek na si Darwin de Jesus, alyas “Darwin Hernandez,” residente ng Barangay Tabang sa Guiguinto.
Nadakip si De Jesus sa loob ng bahay ng kanyang ina.
Matatandaang natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima na si Princess Dianne Dayor sa isang creek.
Pinatay umano ito sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang tali o sling bag.
Inihahanda na ng pulisya ang reklamong isasampa laban sa suspek.