MULA sa frustrated murder, ibinaba sa frustrated homicide ang kaso ng SUV driver na sangkot sa hit-and-run sa Mandaluyong City noong Hunyo 5, 2022.
Batay ito sa resolution na inilabas ng Mandaluyong Prosecutor’s Office na may petsang Hunyo 29, 2022.
Habang ibinasura naman ng piskalya ang kasong Abandonment of Persons in Danger and One’s Own Victim laban sa suspek na si Jose Antonio Sanvicente dahil sa kakulangan ng probable cause.
Matatandaang nag-viral sa social media ang pananagasa ni Sanvicente sa security guard na si Christian Floralde na noon ay nagmamando ng trapiko.