Public school students sa Makati City, iniimbitahan ng Makati LGU na sumali sa Makati City Youth Orchestra

Public school students sa Makati City, iniimbitahan ng Makati LGU na sumali sa Makati City Youth Orchestra

INIIMBITAHAN ng Makati City Government ang mga public school students sa lungsod na sumali sa Makati City Youth Orchestra.

Ayon sa Makati LGU, magsasagawa ang DepEd Makati ng Basic Music Aptitude Test at interview sa mga tumutugtog ng iba’t ibang orchestral instruments sa September 21, 2022, 2pm-5pm, sa Pembo Elementary School.

Kabilang sa mga ito ay ang mga tumutugtog ng violin, viola, cello, flute, clarinet, trumpet, horn, atbp.

Dagdag pa ng LGU ang mga nais sumali ay dapat may malalim na interes sa musika, may dedikasyon na magbigay ng oras na magpractice sa bahay at kahandaang dumalo sa regular na practice at rehearsals.

Ang mga interesadong mag-apply ay maaaring makipag-coordinate sa kanilang MAPEH teachers o head sa paaralan.

Maaaring sumali ang nasa edad 9-11 para sa violin at viola, 12-14 taong gulang para sa cello, bass, winds at percussions.

 

Follow SMNI News on Twitter