PINAAALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na bigyang respeto ang mga alagang hayop.
Ito ay bilang pakikiisa sa ‘Kindness to Animal Day’ ngayong araw.
Ayon sa MMDA, nakikibahagi sila sa pag-obserba sa araw na ito para paalalahanan ang mga motorista na mahalin at arugain ang mga alagang hayop.
Paalala ng MMDA na huwag sagasaan ang mga gumagalang aso, pusa, at iba pang hayop sa lansangan.
Isinusulong ang ‘Kindness to Animal Day’ sa bisa ng Presidential Proclamation No. 537.