ARESTADO ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang lalaking manlalaro ng “mobile legends” dahil sa umano’y “sexual exploitation” sa kanyang menor de edad na kalaro.
Kinilala ang suspek na si Estelito Piolino Gibaga Jr., alyas “Steel Gibaga”, 35 taong gulang.
Ayon kay PNP ACG spokesperson Police Lieutenant Michelle Sabino, nagkakilala ang suspek at ang 14 na taong gulang na biktima sa online game at nagkaroon ng virtual relationship.
Nagpapadala at nanghihingi rin umano ng maseselang larawan ang suspek.
Nang matuklasan ng magulang ng biktima ang malalaswang larawan ay agad itong nagsumbong sa mga pulis na nagkasa ng operasyon.
Nahuli nila ang suspek sa loob ng isang motel sa Quezon City.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.