HIGIT dalawampung bata ang kabilang sa mass shooting na nangyari sa Thailand.
Nagluluksa ngayon ang bansang Thailand matapos maitalang 24 ang bata sa 36 na kataong nasawi sa mass shooting sa hilagang probinsya ng bansa kahapon.
Agad namang naglunsad ng manhunt ang mga awtoridad kahapon kung saan natuklasan ang pagkakakilanlan ng suspek na si Panya Kamrab, 34 na taong gulang at isang dating pulis.
Ayon sa Thai Royal Police, una nang nasuspinde mula sa kanyang trabaho ngayong taon ang suspek dahil sa kasalanan sa possession ng iligal na droga.
Samantala, karamihan din sa mga biktima ay kamag-anak ng suspek na ayon sa mga imbestigador ay pinatay nito bago tuluyang wakasan ang kanyang buhay.
Ayon pa sa pag-aaral ng pulisya ang dalawang taong gulang na stepson ng suspect ay nag-aaral sa day care center na inatake nito.
