SINUSPINDE ni Senador Imee Marcos ang budget hearing sa panukalang 2023 budget ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong Lunes, Oktubre 17, 2022.
Ito ay dahil hindi naisumite ng COMELEC ang mga hinihinging dokumento at impormasyon ng Senate Subcommittee on Finance.
Kabilang sa mga dokumento na ipinasusumite sa COMELEC ay ang computation para sa Barangay at SK Elections, OFW voting performance, update sa kompensasyon ng mga empleyado, Smartmatic issues at vote buying issue sa 2022 elections.
Siniguro naman ni COMELEC Chairman George Garcia na isusumite nila ang required documents ngayong hapon.