Suporta sa modernisasyon sa PCG, ipinangako ni Pangulong Marcos

Suporta sa modernisasyon sa PCG, ipinangako ni Pangulong Marcos

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan ng kanyang administrasyon ang target na modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa gitna ng dinaluhang ika-121 founding anniversary ng PC nitong umaga ng Miyerkules.

Sa kanyang talumpati, hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng PCG na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon at pagpupursige sa pagtupad ng kanilang tungkulin at responsibilidad.

Mensahe pa ni PBBM sa Coast Guard members, dapat patuloy na nakatuon ang mga ito sa pagliligtas ng mga buhay, tiyakin ang mas ligtas na transportasyong pandagat, at i-secure ang maritime na hurisdiksyon.

Ang PCG, na isang attached agency ng Department of Transportation, ay ang pinakamatagal at nag-iisang humanitarian armed service ng bansa mula noong itatag ito noong 1901.

Follow SMNI NEWS in Twitter