Malaking tiwala ng mga Pinoy kay PBBM, welcome development –Rep. Sandro Marcos

Malaking tiwala ng mga Pinoy kay PBBM, welcome development –Rep. Sandro Marcos

WELCOME development para kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang 85% score ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagdaang survey ng OCTA.

Batay sa survey, ang nabanggit na bilang mga Pinoy ay tiwala na nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng liderato ng kanyang ama.

Diin pa ng Presidential son, marami pang trabaho ang naghihintay dahil 6 na buwan pa lamang si Pangulong Marcos sa pwesto.

Subalit ang resulta ng survey ng OCTA ay isang ‘encouraging indicator’ na tama ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng administrasyon sa mga Pilipino.

‘’So, tuloy-tuloy lang po. It’s only been 6 months. Marami pang trabaho na dapat gawin,’’ saad ng batang Marcos.

Batay sa survey ng OCTA, 84% ng mga taga Mindanao ang tiwala sa Pangulo, 91% sa Visayas, 81% sa Balance Luzon at 70% sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter