Taas-presyo sa produktong petrolyo, sasalubong sa mga motorista ngayong 2023

Taas-presyo sa produktong petrolyo, sasalubong sa mga motorista ngayong 2023

SASALUBONG sa mga motorista ngayong 2023 ang taas-presyo sa ilang produktong petrolyo.

Batay sa estimated price nito, posibleng aabot ng halos P3 ang dagdag sa kada litro ng gasolina at diesel.

Habang sa kada litro naman ng kerosene ay naglalaro mula P2.80 hanggang P3.00 ang itataas nito.

Asahan namang ngayong araw ng Lunes ang pinal na price adjustment ng mga kumpanya ng langis para sa kanilang produktong petrolyo.

Samantala, nagpatupad naman ang Petron at Solane ng rollback sa kanilang liquified petroleum products.

Sa abiso, epektibo nitong Enero 1, 2023 ang kanilang P4.20 per kilo na bawas-presyo sa LPG habang P2.35 per liter sa Auto LPG.

Follow SMNI NEWS in Twitter