30-M na mga Pilipino, benepisyaryo ng pabahay program ni PBBM

30-M na mga Pilipino, benepisyaryo ng pabahay program ni PBBM

TINATAYANG 30 milyong mga Pilipino ang makakabenepisyo sa 6 milyong pabahay program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang layunin ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4Ps) program ang pagpapatayo ng 6.15 milyong housing units sa loob ng anim na taon o sa buong termino ni Pangulong Marcos.

Saklaw ng pabahay ang transformation ng informal settlements na magiging prime residential sites at waterfront ito.

Ang mga estero ay magkakaroon din ng rehabilitasyon.

Saklaw rin nito ang in-city resettlement, high-density o vertical housing sa urban areas at utilization ng hindi ginagamit na lupa ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay 15 LGUs na ang nagsagawa ng groundbreaking ceremonies para sa housing projects.

Follow SMNI NEWS in Twitter