NAKATAKDA nang simulan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Baguio City.
Ito ay matapos lagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang isang memorandum of understanding (MOU) para sa township development sa lungsod.
Nasa 6.3 na ektarya ng township development na may 10 high-rise buildings sa Barangay Tupinao, Tuba, Benguet ang nais itayo ng gobyerno.
Katumbas ito ng 2,000 residente sa Baguio ang makikinabang sa oras matapos ang naturang proyekto.
Umabot na sa 49 na lokal na pamahalaan ang lumagda sa MOU para maisakatuparan ang hangarin ni Pangulong Marcos na magkaroon ng sarili, maayos at kumportableng tirahan ang mga ordinaryong Pilipino.