High-powered firearms, nakumpiska ng militar sa engkwentro sa Masbate

High-powered firearms, nakumpiska ng militar sa engkwentro sa Masbate

NASAMSAM ng tropa ng 9th Infantry Division ang high-powered firearms sa Barangay Eastern Capsay, Baleno, Masbate.

Ito ay matapos makaengkwentro ang mga rebelde na nagsasagawa ng extortion activities sa lugar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor, tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok bago tuluyang tumakas ang mga kalaban ng gobyerno.

Sandali rin silang nakaengkwentro ng blocking units.

Kabilang sa nakuha sa lugar ang M14 rifle, M4 rifle, dalawang M16 rifle at M60 machine gun.

Nanawagan si 9th Infantry Division at Joint Task Force Bicolandia commander Major General Adonis Bajao sa mga natitirang rebelde sa lalawigan na ibaba na ang kanilang mga armas at sumuko sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter