MULING umakyat ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa higit 10,000 matapos na makapagtala ng 287 na bagong impeksiyon ang Department of Health (DOH).
Ayon sa pinakahuling datos ng COVID-19 tracker ng DOH, nasa 10,263 na ang active cases ng impeksiyon sa bansa.
Sa isang pulong balitaan, siniguro naman ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na mayroong pagtaas sa kabuoang kaso ng COVID-19 ngunit nananatili pa ring manageable ang mga hospital utilization sa bansa.
Nagbabala naman ang World Health Organization na nananatili pa ring volatile ang pandemya at posible pa rin ang outbreak bago pa mapunta sa predictable pattern ang virus.