Actress-cosplayer Myrtle Sarrosa, ipinaalala sa mga mag-aaral na “may pag-asa pa” sa gitna ng pandemya

Actress-cosplayer Myrtle Sarrosa, ipinaalala sa mga mag-aaral na “may pag-asa pa” sa gitna ng pandemya

STUDENT empowerment ang target na maipadama ng aktres at cosplayer na si Myrtle Sarrosa sa mga mag-aaral.

Kasunod ito sa pagsali ni Sarrosa sa iilang zoom classes ng mga kabataan para mag-endorso ng isang produkto.

Dito niya nakita na sa gitna ng pandemya, nagiging makahulugan at importante ang simpleng “hi” at “hello” para sa mga ito.

Kumbaga, nakatutulong aniya ito sa mga mag-aaral para maipadama ang koneksyon ng ibang tao.

Dahil dito, ayon kay Sarrosa, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa mga estudyante na huwag mawalan ng pag-asa lalo na at nasa pandemya pa rin ang bansa.

Mas maganda rin aniya na sabayan ang kanilang pagpupursigi tungo sa kanilang mga pangarap ng walang humpay na dedikasyon at pagtitiwala sa kanilang mga talento.

Dagdag nito, walang magiging balakid sa mga ito basta’t magtiwala lang.

Si Sarrosa ay nakapagtapos ng kursong Broadcast Communications sa University of the Philippines-Diliman bilang isang Cum Laude.

Naging Sangguniang Kabataan president din ito sa kanyang hometown na Iloilo nang itoy labing limang taong gulang.

 

Follow SMNI News on Twitter