IPINATAWAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isang pulong kahapon ang mga opisyales ng University of the Philippines (UP) kungsaan layon nito na pag-usapan na rin ang 1992 UP-DILG Accord.
Ayon kay DILG officer-in-charge Usec. Bernardo Florece, pinag-usapan dito ang masusing pag-review sa kaparehong kasunduan na pinirmahan sa pagitan ng UP-DND noong taong 1989.
Isinasaad din sa UP-DILG Accord na nagbabawal din sa mga pulis na makapasok sa loob ng UP Campus.
Nanindigan si Florece na masyado nang matagal na napagbigyan ang kasunduan, dahil marami na aniyang nagbago sa bansa matapos ang rehimeng Marcos.
“This fact has been tolerated by the government for a long time out of respect for the agreement,” ayon kay Florece.
“The agreement has become obsolete and no longer attuned to the times. It was signed way back in 1989, three years after the end of the Marcos dictatorship. The times have changed. The conditions have changed,” dagdag aniya.
Samantala, bukod sa kasunduan, napag-usapan din ang estado ng seguridad loob ng UP Village.
Nauna nang napansin ng mga otoridad ang pagdami ng informal settlers sa UP Campus, pagtaas ng krimen sa lugar at tahasang CPP-NPA-NDF recruitment activity.
“The non-academic areas in up have increased through the years and crime has been increasing, thus we need to discuss ways on how we can maintain peace and order in those areas,” ayon kay DILG Usec. Jonathan Malay.
Umabot na rin sa dalawang taon na hindi pa rin nagkikita at nag-uusap ang joint monitoring team ng UP at DILG taliwas sa nakapaloob sa probisyon na kailangang magkaroon ng regular na pag-uusap ang dalawang panig nang hindi bababa sa dalawang beses sa loob ng isang taon.
Sa isang panayam, nanindigan si UP Diliman Mass Communication Professor Danilo Arao na dapat tutulan ang ginawang pagpapawalang bisa ni DND Sec. Delfin Lorenzana sa UP-DND Accord.
Inalala nito na matapos ang rehimeng Marcos, ay bahagyang natigil karahasan pero kalaunay napagtibay aniya ang paglapastangan sa human rights sa mga ginawang operasyon ng mga pulis at militar sa loob ng mga eskwelahan ng UP.
Ayon sa propesor malaki ang epekto ng naging hakbang ng DND sa academic freedom sa loob ng UP Diliman Campus.
Dagdag pa ni Arao, malaki ang posibilidad na hindi lamang ang UP Diliman ang magiging target ng DND dahil maaring isunod ang iba pang paaralan sa buong Pilipinas.