Acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City, na-contain na—DOH

Acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City, na-contain na—DOH

INANUNSIYO ng Department of Health (DOH) na kontrolado na ang acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City.

Noong nakaraang linggo nagdeklara si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng acute gastroenteritis outbreak sa lungsod.

Ito’y dahil sa paglobo ng kaso nito simula noong holiday season.

Ang gastroenteritis ay ang pamamaga ng tiyan at bituka na sanhi ng virus na norovirus at sapovirus.

Ayon kay DOH Spokesperson Usec. Eric Tayag, mahigit 3-K ang tinamaan ng gastroenteritis batay sa self-reported cases sa online pero wala namang namatay dahil sa sakit.

Mahigit 600 lang ang nagpakonsulta ayon kay Tayag.

Ayon kay Tayag, nagkaroon ng water sample sa ilang pinagkukunang tubig ng mga taga-roon, at lumalabas na dahil sa kontaminadong tubig kaya nagkaroon ng outbreak.

Pero sinabi naman ni Tayag na walang dapat ikabahala ang lokal na pamahalaan dahil kontralado na ang outbreak dahil sa pagbaba ng kaso nito.

Noong Enero 15 ay nakapagtala na lamang ng 13 kaso ang Baguio City Health Services Office.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble