GAGANAP bilang Bongbong Marcos ang box-office star at award-winning actor na si Aga Muhlach sa upcoming film na “Mabuhay, Aloha, Mabuhay”.
Ayon kay Filipino film director, screenwriter at producer na si Darryl Yap sa nasabing pelikula, aasahan ang mas marami pang masasaksihang rebelasyon tungkol sa Pamilyang Marcos ganun din kay dating Sen. Ninoy Aquino.
Ang first installment ng trilogy ni Direk Yap na “Maid in Malacañang” ay inilabas noong Agosto 2022 kung saan ibinahagi rito ang huling 72 oras ng Pamilya Marcos sa Palasyo.
Ang second installment naman na “Martyr or Murderer” ay ipalalabas sa mga sinehan simula sa Marso 1, 2023.
Pagsasalaysay ito sa istorya ng Pamilya Marcos bago at pagkatapos ng People Power Revolution noong 1986.