HAWAK na ng Laguna Provincial Police Office (PPO) ang 6 mula sa 17 suspek sa pagpatay sa 3rd year college Chemical Engineering student ng Adamson University.
Ito ayon sa panayam ng SMNI News kay Philippine National Police PIO chief PCol. Dederico Maranan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pawang mga miyembro ng isang fraternity group ang mga suspek kung saan sinasabing dumalo si Salilig para sa isang initiation rites.
Sa ngayon, patuloy ang pagsusuri sa kaso at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng iba pang suspek na sangkot sa pagkamatay ng biktima.
Mula rito, muling nagpaalala ang kapulisan sa mga eskwelahan sa bansa na iwasan at pagbawalan ang pagpapahintulot sa mga fraternity lalo na ang hazing dahil labag ito sa batas.
Kasabay nito ang paalala rin sa mga estudyante na huwag pasukin ang pagsali sa mga organisasyon na ikapapahamak lamang ng mga ito sa halip na mag aral nang mabuti.
Febuary 18, nang maiulat na nawawala si John Matthew hanggang nitong Febuary 28 nang makita ang bangkay nito sa isang open field sa Imus, Cavite.