AI, beneficial pero depende kung saan gagamitin—Analyst

AI, beneficial pero depende kung saan gagamitin—Analyst

KAPAKI-pakinabang ang artificial intelligence (AI) pero nakadepende kung saan ito gagamitin.

Ito ang sinabi ng political analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News.

Paliwanag ni Uy, kapag mag-take over ang AI sa Pilipinas ay nakababahala ito dahil bilang labor intensive na bansa, marami ang mawawalan ng trabaho gaya ng ipinangangamba ni Senator Imee Marcos.

Ayon pa sa eksperto, para sa mga bansa tulad ng Japan na ‘knowledge-based society’ na, kailangan nila ang AI para gawin ang mga maliliit na bagay tulad ng paglilinis ng bahay.

Malaking tulong din aniya ang AI sa mga Hapon dahil sa kanilang tumatandang populasyon.

Sa huli, sinabi ni Uy na maganda kung maibalanse ang pag-aaral ng AI.

Ipinunto niya na maraming benepisyo ang AI lalo na sa business sector dahil nakatutulong ito para mas mapadali ang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter