BUKAS na ang aplikasyon ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC) para sa mga nais ipagpatuloy ang edukasyon sa larangan ng siyensiya sa pamamagitan ng 2022 postgraduate scholarship program nito.
Popondohan ang naturang programa ang master’s degree ng mga mapipiling estudyante sa top universities sa Japan.
Kabilang sa mga unibersidad ang University of Tokyo, Kyoto University, Nagoya University, Tokyo Institute of Technology, Ochanomizu University, Waseda University, at Kagawa Nutrition University.
Hinimok ni Roann Co, General Manager of Marketing and Public Relations ng APC, ang mga Pilipino at graduates na huwag palagpasin ang oportunidad na matuto sa top universities sa Japan.
Ayon sa APC, susuportan nito ang mga selected scholars sa loob ng tatlong taon at kabilang sa suporta nito ang two-way airfare, admission, tuition, pati na ang Japanese language training at monthly allowance.
Narito ang kwalipikasyon para sa pag-apply: dapat ay Filipino citizen, mas mababa sa 35 taong gulang sa Abril 1, 2021, at dapat ay mayroong excellent academic record, dapat rin ay may rekomendasyon ng university president o academic advisor, sumailalim sa Japanese Language Proficiency Training at dapat ay may pangangailangang tulong pinansiyal para sa pag-aaral.
Kasalukuyang nasa bilang na 11 na ang Filipino scholars na nasa prestigious universities.
Bukas naman ang aplikasyon ng 2022 postgraduate scholarship program ng Ajinomoto hanggang sa Marso 1, 2021.