LIMA na ang active cases ng mpox sa bansa.
Ito’y matapos naiulat ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Agosto 28, 2024 ang dalawang karagdagang pasyente.
Binigyang-diin lang ng ahensiya na ang Clade II ang nakikita na uri ng mpox sa bansa at hindi ang Clade I na sanhi ng mpox outbreak sa African countries.
Kaugnay rito ay nauna nang inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na gumamit ng facemask ang sinumang may sakit ng mpox maging ang kanilang close contact at health workers.