Alas Pilipinas Women, binigyan ng cash incentive

Alas Pilipinas Women, binigyan ng cash incentive

NABIGYAN na ng cash incentive ang Alas Pilipinas Women mula kay Sen. Bong Go sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Para ito sa kanilang nakuhang bronze medal mula sa ginanap na 2024 AVC Challenge Cup noong nakaraang buwan.

Ang cash incentive ay nagkakahalaga ng P200-K bawat isang player at coaching staff ng team.

Sa ngayon ay naghahanda ang Alas Pilipinas Women para sa nalalapit na FIVB Women’s Challenger Cup ngayong Hulyo 4-7, 2024.

Makakalaban nila rito ang mga bansa tulad ng Kenya, Argentina, Puerto Rico, Vietnam, Sweden, Czech Republic, at Belgium.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble