Alas Pilipinas Women panalo vs. Kazakhstan sa 2025 AVC Cup

Alas Pilipinas Women panalo vs. Kazakhstan sa 2025 AVC Cup

NATALO ng Alas Pilipinas Women ang bansang Kazakhstan sa iskor na 25-21, 25-15, 25-19 sa kanilang game nitong Hunyo 12, 2025.

Ngayon ay pasok na ang Alas Pilipinas Women sa semifinals ng 2025 edition ng AVC Women’s Volleyball Nations Cup na ginagawa ngayon sa Vietnam.

Sa record, sa limang laro nila sa naturang tournament ay tanging Iran pa lang ang nakatalo sa kanila.

Samantala, sa 2025 Invitationals, ang Alas Pilipinas Men ay panalo rin laban sa Thailand sa iskor na 21-25, 25-21, 25-22, 21-25, 15-12.

Ibig sabihin, sa tatlong game nila sa Invitationals ay naipanalo ito lahat ng national team.

Ang 2025 Alas Pilipinas Invitationals ay nagsimula noong Hunyo 10 at natapos nitong Hunyo 12, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble