Birmingham, United Kingdom — Hindi naging maganda ang pagsisimula ni Alex Eala sa grass season matapos siyang matalo sa unang laban ng 2025 Lexus Birmingham Open doubles noong Hunyo 2.
Nakipagsanib-puwersa si Eala sa Swiss partner niyang si Rebeka Masarova, ngunit natalo sila sa ikalawang seeded na tambalan mula Australia na sina Ellen Perez at Storm Hunter, sa iskor na 6-4, 6-4.
Sa ngayon, ibubuhos muna ni Eala ang kaniyang atensyon sa singles competition kung saan nakatakda siyang makaharap sa unang round si Linda Fruhvirtová ng Czech Republic.
Kasalukuyang may WTA ranking na No. 73 si Eala at ikatlong seed sa torneo, kumpara kay Fruhvirtová, na nasa WTA No. 152.
Samantala, sa singles play ng French Open, hindi rin pinalad si Eala matapos siyang matalo sa unang round laban kay WTA No. 88 Emiliana Arango ng Colombia, 0-6, 6-2, 3-6.
Patuloy ang laban ni Eala sa internasyonal na tennis circuit, at umaasang makabawi sa darating na mga laro sa grass court season.