UMANGAT sa Rank No. 169 na ang Pinay tennis player na si Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA).
Mas mataas ito ng tatlong puwesto mula sa nauna nitong rank na No. 172.
Bagaman natalo sa event, ang pag-akyat ni Eala sa ranking ay kasunod sa stint niya sa W75 Bellinzona International Tennis Federation (ITF) tournament sa Switzerland noong nakaraang linggo.
Sa kasalukuyan ay naglalaro si Eala sa Oeiras Ladies Open sa Portugal.