NILINAW ngayon ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig sa Senado na hindi ito tatakbo sa darating na 2025 midterm elections.
Ginawa ni Guo ang paglilinaw nang muling humarap ito sa pagdinig ng Senado ukol sa illegal POGO operations sa Bamban, Tarlac.
Ani Guo, haharapin niya muna ang mga akusasyon na ibinabato sa kaniya at lilinisin muna nito ang kaniyang pangalan para maging patas sa mga residente ng Bamban.
Kung maaalala, una nang sinabi ng abogado ng dating alkalde na si Atty. Stephen David na posible itong kumandidato muli bilang mayor ng Bamban.