Alice Guo, itinanggi na siya si “Guo Hua Ping” na isiniwalat ni Sen. Gatchalian

Alice Guo, itinanggi na siya si “Guo Hua Ping” na isiniwalat ni Sen. Gatchalian

ITINANGGI ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na siya itong “Guo Hua Ping” na inilantad ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Nitong Martes, Hunyo 18, 2024, nang isiwalat ito ng senador kasunod sa aplikasyon ng pamilya Guo para sa isang special investors resident visa.

Sa dokumento ring ipinakita ni Gatchalian, makikitang pumasok sa Pilipinas si “Guo Hua Ping” nang ito ay 13 taong gulang noong Enero 12, 2003.

Sa kampo ng mayora, sinabi ng legal counsel nito na si Atty. Stephen David na Pilipino si Mayor Alice at Philippine Passport ang hawak nito.

Makailang ulit na rin aniya itong ipina-renew.

Sa mga travel rin ni Mayor Alice sa China, sinabi ni David na kinakailangan pa nito na kumuha ng visa kaya kung totoong may Chinese passport ito ay hindi na sana kailangan pang kumuha ng visa.

Marami rin aniyang real estate properties ang mayora na hindi magagawa kung isa itong foreigner.

Sa huli, binigyang-diin nito na wala aniyang kinalaman si Mayor Alice kay “Guo Hua Ping”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble