Alice Guo, posibleng nakaalis na sa Pilipinas—senador

Alice Guo, posibleng nakaalis na sa Pilipinas—senador

POSIBLENG nakaalis na si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa gamit ang kaniyang Chinese passport.

Bagamat hindi napatutunayan kung ganito ang pangyayari, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na maraming paraan para makatakas at isa na rito ang maaaring paggamit ng Chinese passport para makaalis.

Sa kabila nito, sa pahayag ng kaniyang abogado na si Stephen David, sinabi niyang nasa Pilipinas lang si Mayor Alice.

Si Mayor Alice ay nahaharap sa isang imbestigasyon sa kasalukuyan kaugnay sa mga ilegal na operasyon ng POGO sa Bamban.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble