Alkalde ng Pandag, Maguindanao, pinabulaanan na may kinalaman sa karahasang naganap sa BSKE

Alkalde ng Pandag, Maguindanao, pinabulaanan na may kinalaman sa karahasang naganap sa BSKE

PINABULAANAN ni Pandag, Maguindanao Mayor Toy Mangudadatu na may kinalaman ito sa karahasang naganap sa panahon ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Mariin itong sinabi ni Mayor Toy sa panayam ng media ngayong araw.

Matatandaan na sa kaniyang Facebook live ipinakita ng alkalde ang ginawang bigong pamamaril sa kanila sa araw mismo ng halalan.

Hinihinalang politically motivated ang naganap na bigong pag-ambush habang inaasahan naman na magsasampa ng kaukulang reklamo at kaso para sa naganap na karahasan at banta sa buhay ni Mayor Toy at ng kaniyang pamilya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter