NAGULAT si San Juan Mayor Francis Zamora sa rebelasyon ng ama nito na si Representative Ronaldo Zamora na apat na beses na umano naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Francis, ang alam lang niya ay ang pagturok ng Pfizer vaccine ng kaniyang ama sa San Juan City.
Kaugnay nito, ayon sa mga doktor ni Rep. Zamora, anim na taon na ang nakalipas nang sumailalim ang kanyang ama sa kidney transplant at 16 taon naman ang nakalipas nang dumaan ito sa quadruple bypass.
Kaya naman inabisuhan si Rep. Zamora ng mga doktor nito na magpaturok ng Pfizer vaccine.
Samantala, nang i-test ang antibodies ni Rep. Ronaldo matapos maturukan ng Sinopharm noong Disyembre, zero ang lumabas na resulta.
Matatandaang sinabi ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora noong Martes na apat na beses na itong naturukan.
Aniya, nabakunahan siya ng Sinopharm noong Disyembre at nakatanggaap naman ng dalawang dose ng Pfizer bilang booster shots.