Ambulant vendors sa Baclaran, bibigyan ng maayos na puwesto ng MMDA

Ambulant vendors sa Baclaran, bibigyan ng maayos na puwesto ng MMDA

BIBIGYAN ng maayos na puwesto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ambulant vendors sa Baclaran.

Ito ang paglalahad ni MMDA acting Chairman Atty. Don Artes kasabay ng pagpasinaya ng EDSA Tramo Pocket Park sa Pasay City na bahagi ng Adopt-A-Park Project ng ahensiya.

Nangako rin si Artes ng karagdagang mga pocket at linear parks sa lungsod.

May lawak na 3,525 square meters, ang parke na nasa ilalim ng EDSA Tramo flyover ay may plant boxes at 5 container van na magsisilbing opisina ng barangay, lokal na pulis, at ng MMDA units gaya ng Metro Parkways Clearing Group, Traffic Discipline Office, and Rescue Office.

Nagpasalamat naman si Mayor Calixto-Rubiano sa proyekto ng MMDA na aniya’y bahagi ng bisyon ng lungsod na maging eco-city.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter